^

Metro

Bebot binoga sa loob ng convenience store

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 31-anyos na babae nang barilin sa loob ng isang convenience store, sa Makati City, madaling araw.

Nagpapagaling na sa Makati Medical Center ang biktimang si Jacelugem Toledanes, residente ng Jasaan, Misamis Oriental.

Sa ulat na isinumite ka Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Jimili Macaraeg, naganap ang insidente dakong alas-12:31 ng madaling araw noong Martes sa loob ng 7/11 Convenience Store sa BCS Prime Bldg. Pasong Tamo Ext. Brgy. Magallanes.

Ayon sa mga saksi na si Joniel Esguerra, 21, store cashier at Rodel Araza, 36, kawani, nakarinig sila ng putok at nakita na lang na duguang nakahandusay ang biktima.

Nabatid na pagkatapos makabili ng juice at sandwich ng biktima ay bigla itong nilapitan ng suspect at saka binaril. Hindi naman napuruhan ng gunman ang biktima. Mabilis na tumakas ang suspect sakay sa isang nag-aabang na motorsiklo.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga rumespondeng Bantay-Bayan ng Brgy. Magallanes, sa tulong ng Bangkal Police Sub-Station.

Narekober ng SPD Forensic Unit sa crime scene ang tatlong basyo ng bala, isang lead core, metallic jacket at isang bala mula sa kalibre .9mm pistol.

Sinabi ni Macaraeg na nagsasagawa pa rin ng follow-up operation ang mga elemento ng Makati City Police para sa posibleng pagkaka­kilanlan at pag-aresto sa gunman at kasama nito habang hindi pa matukoy ang motibo sa likod ng pag-atake.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with