^

Metro

Crime rate sa bansa, bumaba ng 50%

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Crime rate sa bansa, bumaba ng 50%
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang bilang ng mga krimen na naitala sa nasabing panahon ay nasa 1.35 milyon, na kalahati lamang ng 2.7 milyong krimen na naitala mula taong 2010 hanggang 2015.
STAR / File

MANILA, Philippines — Iniulat ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bumaba ng 50% ang crime rate sa bansa sa nakalipas na limang taon, sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang bilang ng mga krimen na naitala sa nasabing panahon ay nasa 1.35 milyon, na kalahati lamang ng 2.7 milyong krimen na naitala mula taong 2010 hanggang 2015.

“Since the anti-drug war started in 2016, statistics had already shown that crimes committed from 2010 to 2015 we brought it down by 50%,” ani Densing, sa panayam sa telebisyon.

“So from 2.7 million, more or less, number of crimes committed in the last five and a half years gone down to 1.35 million,” dagdag pa niya.

Idinagdag pa nito na malaki ang naitulong ng drug war na inilunsad ng pangulo sa pagpapababa sa krimen, dahil karamihan sa mga naitatalang krimen ay may kinalaman o nag-ugat din sa ilegal na droga.

Aniya pa, ilang laboratoryo na rin ng ilegal na droga ang matagal nang tumigil sa operasyon at maraming drug lords ang umalis ng bansa sa panahon ng termino ng Pang. Duterte.

“It was only under the administration of President Duterte that it has stopped, it ceased increasing, we were able to curb it, a number of drug lords left the country literally, of course the drug labs stopped for a time,” ani Densing.

 

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with