^

Metro

Water interruption sa 9 lugar sa MM at Bulacan hanggang June 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa siyam na lugar sa Metro Manila at sa mga lugar ng lalawigan ng Bulacan hanggang Hunyo 1.

Ayon sa Maynilad Water, na extend nila ang off peak water interruption para maiwasan ang mabilis na pagkasaid ng imbak na tubig sa tanghali kung saan mataas ang demand sa suplay.

Ang mga lugar na patuloy na may water interruption ay sa  ilang mga barangay sa Bulacan, Valenzuela, Parañaque, Pasay, Makati, Navotas, Manila, Quezon City, Malabon, at Caloocan sa Metro Manila.

Ang water interruption ay  magsisimula ng alas -10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Hiniling ng Maynilad sa publiko lalo na sa mga residente ng Metro Manila na magtipid sa paggamit sa tubig at ‘wag mag-aksaya upang makatulong na maiwasan ang kakulangan sa suplay.

Hindi nakakaranas ng pag-uulan sa mga water shed sa mga dam ngayong tag-init lalo na sa Angat dam na source ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila kaya’t bumababa ang water level sa naturang dam na ugat ng kakulangan ng suplay ng tubig.

                                                                                

MAYNILAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with