^

Metro

Top 5 most wanted ng Makati, dakma!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip na ang isang 40-anyos na may kasong murder at Top 5 Most Wanted ng Makati City Police Station matapos ang 22 taong pagtatago sa batas, nitong Sabado.

Kinilala ni P/Brig. Ge­neral Jimili Macaraeg ang naarestong si Jonathan Millet, residente ng Makati City.

Sa ulat, dakong alas 9:40 ng gabi nang maaresto si Millet sa Block 157, Lot 4, Adela St. Brgy. Rizal, ng pinagsanib na puwersa ng Makati City Police Station Investigation Section at Warrant Section Unit ng Taguig City Police.

Si Millet ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa krimen ng Murder na inisyu ni Hon. Leticia F Morales, RTC Br. 140, Makati City na may petsang Disyembre 6, 2000 na walang inirekomendang piyansa.

“Gusto kong purihin ang Makati at Taguig City Police Station sa kanilang magkasanib na pagsisikap na humantong sa matagumpay na pag-aresto sa Top 5 Most Wanted Person, makatitiyak na gagawin ng SPD ang lahat ng makakaya upang arestuhin ang lahat ng akusado sa aming listahan ng mga wanted para dalhin sila sa korte at sagutin ang mga paratang laban sa kanila.” ani Macaraeg.

JIMILI MACARAEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with