^

Metro

Studes ng PLM at UDM, ‘di magagamit sa mga political rally - Yorme

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Studes ng PLM at UDM, âdi magagamit sa mga political rally - Yorme
Manila City Mayor Isko Moreno.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga magulang ng mga mag-aaral mula sa dalawang unibersidad na pinamamahalaan ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ang Universidad de Manila, na ang kapakanan ng kanilang mga anak ang pangunahing pinagkakaabalahan ng pamahalaang lungsod.

Ani Moreno, hindi niya hahayaang gamitin ang mga mag-aaral o ang lugar ng mga nasabing unibersidad sa mga gawaing pulitikal na maaaring mauwi sa kaguluhan.

Sa kanyang capital report, sinabi ni Moreno na inatasan niya ang mga pinuno ng nasabing dalawang uni­bersidad na tumutok sa pagbibigay ng pinakamahusay na uri ng edukasyon na posible sa kanilang mga mag-aaral.

“ Sa mga magulang na nag-aaral ang kanilang anak sa PLM at UDM, pumanatag kayo. Ako po ay nag-abiso na, na hindi pwede basta-basta sumama sa kaguluhan na binabalak ng iilan ang mga estudyante sa ating paaralan,”ani  Moreno.

Dagdag pa ng alkalde,  “Kailangan nating magpatuloy sa ating buhay at suportahan ang susunod na pamahalaan. We have to as citizens, bilang mamamayan, kailangan tayong magtulungan.”

Matatandaang naglabas si Moreno ng kautusan na hindi papayagan ang anumang rally sa Maynila kung walang permit, kasunod ng panawagan sa kanyang mga tagasuporta na magpatuloy at huwag makisali sa mga protestang rally.

“Sa mga nanay, tatay, lolo at lola, pumanatag kayo dahil kami po ay binabantayan namin maige. Ang mga institusyong pang-edukasyon ay dapat magbigay ng mahusay, de-kalidad na edukasyon. ‘Yun ang aming obligasyon sa inyong mga anak at ‘ay tumutupad ng mga opisyales at guro dahil trabaho namin iyon,” ani Moreno.

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with