^

Metro

5 arestado sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang indibiduwal ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati at Las Piñas City Police.

Sa Makati, alas-10:30 ng Biyernes nadakip ang suspek na si Romulo Padilla, 40,  matapos makabili ang poseur-buyer ng shabu.

Tinatayang nasa 9.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?64,600 ang nasabat mula sa suspek. Sa isa pang operasyon sa Las Piñas City, dakong ala- 1:45 ng madaling araw ng Sabado, nang arestuhin ang grupo ng mga suspek na sina Franklin Mendigo, 31;  Adela Austriaco, 63; Angelita Borromeo, 43; at Abegail Catamora, 26.

Narekober sa kanila limang plastic sachet ng shabu na may timbang na 12.6 gramo na nagkakahalaga ng ?85,680.00.

“Team SPD is doing great in its campaign against illegal drugs, the peaceful community of Southern Metro is the fruit of our hard work and dedication to eradicate the illegal drugs in our area, rest assured that SPD will remain steadfast in our campaign against all forms of criminality in order to sustain the peaceful community that we have,” ani Southern Police District Director P/Brig. General Jimili Macaraeg.

SDEU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with