^

Metro

Dagdag pang pag-aaral bago magpatupad ng bagong number coding scheme – MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa pa ng karagdagang pag-aaral ang Metro Manila Council (MMC) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa planong pagpapatupad ng bagong number co­ding scheme sa National Capital region (NCR).

Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na naimungkahi ni Pasig Mayor Vico Sotto ang ‘further study’ noong bago pa ang halalan 2022.

“Yan po ay pagpupulungan namin once na matapos po ‘yung further study na ‘yan. At magde-decide po ang MMC kung kailan po ipapatupad itong bagong number coding scheme,” ani Artes.

May panukala rin na ipagpaliban muna ag pagpapatupad ng bagong number coding hanggang sa susunod na administrasyon.

Kung ang bagong scheme ay maipatutupad bago matapos ang kasalukuyang administrasyon, mungkahi naman ni Artes na magkaroon ng pagrepaso sa mga polisiya kada ika-3 buwan.

Noong nakalipas na Abril nang ipanukala ng MMDA na magpatupad ng bagong number co­ding scheme sa layu­ning mapababa sa 40% ang mga sasakyang dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Kasalukuyang ipinapatupad ng MMDA ang modified number co­ding scheme mula 5:00 p.m. hanggang 8 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga holidays.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with