^

Metro

105 katao sa Metro Manila, huli sa liquor ban - NCRPO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 105 katao ang nadakip sa  Metro Manila kaugnay ng paglabag ng mga ito sa liquor ban bago at sa mismong araw ng halalan noong Mayo 9.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang mga nahuli ay lumabag sa liquor ban na naipatupad sa Metro Manila mula Mayo 8 ng madaling araw hanggang sa hatinggabi ng Mayo 9, araw ng halalan sa bansa.

Ang mga ito ay nakasuhan na kaugnay ng paglabag sa naturang kautusan.

Iniulat din ng  NCRPO na payapa at wala namang anumang election-related violent incident ang naganap sa Metro Manila sa panahon ng halalan.— Ludy Bermudo

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with