^

Metro

Mga guro na tatanggap ng dagdag na insentibo pili lamang - Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga guro na tatanggap ng dagdag na insentibo pili lamang - Comelec
In this May 2019 photo, teachers of the Pinyahan Elementary School in Quezon City conduct testing and sealing upon the arrival of Vote Counting Machine at their school.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Iniakyat na sa Commission on Elections (Comelec) en banc ang apela para magbigay ng dagdag na insentibo sa mga guro na nagsilbi nitong nakaraang May 9 elections ngunit hindi lahat ay makatatanggap nito.

Sinabi ni Comelec Acting Spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco na tanging mga guro at pollworkers na nag-extend ng trabaho dahil nagkaroon ng aber­ya ang kanilang vote counting machines ang makatatanggap ng karagdagang insentibo.

Ang mga guro at poll workers na ito ay ang mga napilitang mag-duty ng lagpas sa kanilang itinakdang oras dahil sa pagkakaroon ng problema sa 915 na Vote Counting Machines (VCMs) at hindi agad napalitan kaya’t tumagal ang halalan.

Kinumpirma rin ni Laudiangco na inihain na ni Commissioner George Garcia ang apela sa en banc para sa pagbibigay ng additional service incentives. Magkakaroon din ng ‘formal manifestation’ ang Department of Education (DepEd) para sa dagdag insentibo.

Pag-aaralan ng en banc ang kahilingan at kung magkano ang maaaring ibigay na dagdag na honoraria.

Wala namang komento ang opisyal sa hiling na iexempt ang insentibo ng mga guro sa buwis sa pagsasabing nasa hurisdiksyon ito ng Bureau of Internal Revenue.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with