^

Metro

Susunod na DepEd chief Inday Sara, malugod na tinanggap ni Sec. Briones

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Susunod na DepEd chief Inday Sara, malugod na tinanggap ni Sec. Briones
Vice Presidential Candidate Sara Duterte speaks infront of UniTeam supporters in Tiaong Convention Center, March 23.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ni Department of Edu­cation (DepEd) Secretary Leonor Brio­nes ang anunsyo ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.  na si Vice Presidential frontrunner Sara Duterte-Carpio ang napipisil niyang magi­ging susunod na kalihim ng naturang departamento.

Sa isang pahayag, tiniyak din naman ni Briones na siya at ang buong pamilya ng DepEd ay handang makipagtrabaho kay Duterte-Carpio para sa isang maayos na transisyon ng pamumuno ng kagawaran.

“Malugod kong tinatanggap ang anunsiyo ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos na ang papasok na Bise Presidente na si Sara Duterte ay inaasahan na maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” anang kalihim.

“Handa ako at ang buong pamilya ng DepEd na magtrabaho kasama ang kanyang grupo para sa maayos na transisyon ng pamumuno sa DepEd,” aniya pa.

Sinabi ni Briones na gagawin nila ang turnover ng Basic Education Plan 2030, na siyang kauna-unahan sa isang papatapos na administrasyon na mag-iiwan ng medium-term plan.

Kampante rin aniya sila na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay na indibidwal, sa pangu­nguna ni Inday Sara, maipagpapatuloy nito ang kanilang mga nasimulang programa sa kagawaran.

Matatandaang una nang sinabi ni Marcos na tinanggap na ni Duterte-Carpio ang posisyong maging susunod na DepEd secretary, sakaling tuluyan na silang maiproklama bilang susunod na pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with