^

Metro

Campaign materials, linisin sa loob ng 3 araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Campaign materials, linisin sa loob ng 3 araw
Ang ga-bundok na election campaign materials na sinimulang baklasin ng Marikina LGU kung saan pansamantalang inilagak sa Marikina City Environment and Ma­nagement Office reco­very area para sa proper disposal.
Walter Bollozos

DILG sa LGUs, kandidato

MANILA, Philippines — Tatlong araw ang ibinigay na taning ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units (LGUs) at mga kandidato para alisin at i-dispose ang lahat ng campaign waste materials sa kanilang nasasakupan.

“Clean-up of election litter is the first order of business after the polls. Aside from incumbent LGU officials, we urge all candidates, winners and non-winners alike, to take it upon themselves to lead in the removal of their campaign materials,” ayon pa kay Año, sa isang pahayag.

Sa kanyang paabiso sa mga local chief executives (LCEs), hinikayat niya ang mga ito na i-dispose ng tama ang mga election propaganda materials, alinsunod sa environmental laws at local ordinances at regulations laban sa illegal dumping, open burning, at littering.

Hinihikayat din niya ang paggamit ng barangay at LGU material recovery facilities para mangolekta at mag-restore ng mga reu­sable materials gayundin sa pagbuo ng mga makabago at ligtas na estratehiya sa pag-recycle o pag-upcycle ng reusable campaign waste materials.

“Hinihimok din po natin ang ating mga kababayan na makiisa sa clean up drive ng kanilang LGUs at barangay. We have done our part in exercising our right to vote. Let’s continue to participate in governance through our simple ways of cleaning up our neighborhood from election litter,” anang DILG chief.

Binanggit pa nito na noong 2019 midterm elections, mahigit sa 168.84 to­nelada ng campaign materials ang nakolekta.

DILG

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user