^

Metro

INC, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Belmonte

Philstar.com
INC, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Belmonte
Mayor Joy Belmonte greets her constituents and supporters in a gathering Quezon City in a photo released on May 3, 2022. Belmonte is seeking reelection this month.
Belmonte campaign

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Iglesia ni Cristo matapos nitong suportahan ang kanyang reelection.

Sa isang mensahe, Huwebes, sinabi ng alkalde na isang karangalan na siya ay makatanggap muli ng tiwala ng simbahan.

"Lubos ko pong ikinagagalak ang karangalan na ako'y MULING pagkatiwalaan ng Kapatiran ng Iglesia ni Cristo, sa pamumuno ng minamahal at ginagalang na Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Eduardo V. Manalo," sabi ni Belmonte.

"Hinding-hindi ko po sasayangin ang tiwala ninyo. Kung ako po ay palaring mahalal muli bilang alkalde ng Lungsod Quezon, makaaasa po kayo na ang aking pag-serbisyo sa taong bayan ay ayon sa pangangailangan ng sambayanan at sa mga turo ng Dakilang Amang Lumikha," dagdag pa niya. "Maraming salamat po sa buong Kapatiran ng Iglesia Ni Cristo!"

Hinahangad ni Belmonte na mabigyan pa ng isa pang termino sa city hall ng pinakalamaking siyudad sa Pilipinas.

Nangununa parin naman ang incumbent mayor base sa ilang mapagkakatiwalaang local surveys.

IGLESIA NI CRISTO

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with