^

Metro

Magpapatuloy ng e-sabong operations, aarestuhin, kakasuhan - DILG

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magpapatuloy ng e-sabong operations, aarestuhin, kakasuhan - DILG
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na aarestuhin at kakasuhan ang sinumang magpapatuloy pa rin ng kanilang e-sabong operations sa kabila ng kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Martes na ipatigil na ito.

“Wala namang sophistication diyan sa utos ng Pangulo. ‘Pag sinabi ng Chief Executive na hindi na pupuwede ito, at ito naman ay ayon sa kapangyarihan ng ­ating Pangulo, ipatutupad natin ‘yan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nang mahingian ng reaksiyon hinggil sa mga taong naghahanap ng implementing rules and regulations (IRR) sa kautusan ng pangulo, sa isang panayam sa radyo.

“‘Pag sinabing stop, stop na ‘yan. Wala ng mga anumang technicalities o anumang justifications. Ganun lang siya kasimple. Kung hindi ka susunod, eh di mananagot ka sa batas at expect mo na magkakaroon tayo ng mga pag-aresto diyan sa mga hindi susunod,” dagdag pa niya.

Sa isang hiwalay na panayam naman sa te­lebisyon, sinang-ayunan ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang paha­yag ni Año at binigyang-diin na ang e-sabong ay ilegal na ngayon.

Ayon kay Malaya, bukod sa pag-aresto, ang sinumang magpapatuloy ng operasyon nito at lalabag sa suspensiyon ay sasampahan din ng kaso sa hukuman.

“It should end today…when the President made his announcement that to us is already a presidential directive because it was made in a public statement,” aniya pa.

Sinabi rin ni Malaya na kamakalawa ay sinimulan na nila ang implementasyon ng suspensiyon at nagpapasalamat sila na may mga betting station ang nagtigil na ng operasyon.

Ikinatuwa rin ni Malaya na mismong si Charlie ‘Atong’ Ang, na may-ari ng Pitmasters Live, ay nagbigay na ng public statement na tatalima sila sa kautusan ng pangulo.

Inaasahan aniya nilang hanggang nitong Miyerkules ay sarado na ang lahat ng betting stations at ang lahat ng operasyon ng e-sabong ay matitigil na.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Malaya na ang mga manlalaro ng e-sabong ay maaari na lamang lumipat sa tradisyunal na sabong.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pang. Duterte na suspendihin ang operasyon ng e-sabong kasunod ng rekomendasyon ng DILG hinggil dito.

Sa pagtaya ng DILG, mayroong limang milyong e-sabong players sa bansa.

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user