^

Metro

Ex- PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex- PBA superstars âmanokâ si Robredo bilang pangulo
In this photo taken on April 23, 2022, Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo engages with supporters during a campaign rally coinciding with her birthday in Pasay City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinili ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.

Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny Abarrientos.

Una nang nagdeklara ng suporta kay Robredo sina Guiao at dating national team head coach Chot Reyes.

Sa video, sinabi ng mga dating PBA superstar na si Robredo ang nararapat maging susunod na lider ng bansa, batay sa kanyang katangian at track record bilang lingkod-bayan.

“Sa basketball, hindi pwedeng pa-absent-absent kapag may trai­ning or laban. Dapat la­ging present. You show up in the most difficult times,” wika ni Racela, na ngayo’y head coach na ng Far Eastern University (FEU) at assistant coach ng Barangay Ginebra.

“Sa basketball, hindi ka pwedeng sumuko. Laban lang ng laban, kahit na pinipilit kang i-foul out ng kalaban,” ani ­Abarrientos, na assistant coach na ng FEU at Magnolia Hotshots.

“Kaya ako, bilib na bilib sa lider na taglay ang katangiang ito,” ani Lastimosa, na isa sa mga assistant coach ni Guiao sa NLEX.

Sa pangunguna ni Robredo, naniniwala sila na gaganda ang buhay ng mga Pilipino.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with