^

Metro

P11 bilyong ilegal na droga isinuko na ng NBI sa PDEA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P11 bilyong halaga ng ilegal na droga na kanilang nasabat sa mga ikinasang anti-drug operations.

Sinabi ni NBI OIC-Director ERIC B. DISTOR na ang ‘turn-over’ ng mga ilegal na droga ay bilang pagsunod sa utos ng Regional Trial Court ng Fourth Judicial Region of Infanta, Quezon.

Sa pamamagitan ng Forensic Chemistry Division (FCD) na nasa kustodiya ang mga ilegal na droga, ipinasa na ito sa PDEA noong April 11 at 26, 2022. May kabuuang timbang na 1,855.0 kilograms ang ipinasa na mga iligal na droga.

Noong Marso 15, 2022, nasabat ng NBI sa pamumuno ng Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) ang nasa isang tonelada ng ilegal an droga na nagkakahalaga ng P11 bilyon sa may Barangay Comon, Infanta, Quezon.

Nagresulta rin ito sa pagkakadakip sa 10 lalaki na nahuli sa aktong ibinibiyahe ang mga kontrabando sakay ng tatlong commuter vans.

Iniulat din ni Distor na sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga nadakip na suspek.

Sinabi ni Distor na ito na ang pinakamalaking dami at halaga ng ilegal na droga na nasabat ng mga awtoridad sa kasaysayan ng bansa.  Sa kabila nito, hindi pa rin umano titigil ang NBI sa paglaban sa ilegal na droga at sa mga sindikato na patuloy na nag-ooperate sa bansa.

DROGA

NBI

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with