^

Metro

Pagbawi ni Espinosa sa testimonya vs de Lima, ipinaubaya ng PDEA sa korte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagbawi ni Espinosa sa testimonya vs de Lima, ipinaubaya ng PDEA sa korte
Undated photo shows Kerwin Espinosa.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinauubaya na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa hukuman ang pagtimbang hinggil sa maaaring maging epekto nang ginawang pagbawi ng drug suspect na si Kerwin Espinosa sa kanyang mga testimonya laban kay Senator Leila de Lima.

Si de Lima ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame sa Quezon City matapos na isangkot sa ilegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa isang pahayag, sinabi naman ng PDEA na ang korte lamang ang siyang nakakaa­lam kung may magi­ging epekto man ang ginawang ito ni Espinosa sa kinakaharap na drug cases ng senadora.

“As to the matter of PDL Kerwin Espinosa’s retraction of his statements pertinent to cases lodged against Senator Leila de Lima, the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) will defer to the decision of the courts as to the implication of this recantation,” anang PDEA sa isang pahayag.

Binanggit din ng PDEA na una na rin namang nagbigay si Prosecutor General Benedicto Malcontento ng kanyang opinyon na wala namang epekto sa mga kaso ni de Lima ang pagbawi ni Espinosa sa kanyang mga sinumpaang-salaysay.

Paglilinaw pa ng PDEA, wala silang kinalaman sa mga isinampang kaso laban kay de Lima, gayundin kay Espinosa.

Gayunman, tiniyak nito na interesado silang malaman ang katotohanan sa likod ng isyu at usigin ang mga taong nasa likod ng illegal drug trade.

KERWIN ESPINOSA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with