^

Metro

10 milyong piraso ng bagong isanlibong bill, inilabas na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
10 milyong piraso ng bagong isanlibong bill, inilabas na
Ayon sa central bank, pagsapit ng 2023 ay tinatayang may kabuuang 500 milyong piraso ng polymer banknotes ang inaasahang nasa sirkulasyon kasama ang lumang P1,000 paper banknotes.
Philstar.com / Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes ang nasa 10 milyong piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes na ginawa pa sa Australia.

Ayon sa central bank, pagsapit ng 2023 ay tinatayang may kabuuang 500 milyong piraso ng polymer banknotes ang inaasahang nasa sirkulasyon kasama ang lumang P1,000 paper banknotes.

Noong Disyembre pa inilabas ng BSP ang bagong disenyo ng P1,000 polymer note na inaprubahan ng National Historical institute.
Sa bagong disenyo, pinalitan ang mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos ng Philippine Eagle.

Nabatid na kinuha pa ng bangko sentral ang serbisyo ng Reserve Bank of Australia sa paggawa ng pera. Ginamit dito ang kaparehong mater­yales sa pera ng Australia, Canada, Mexico, New Zealand, at United Kingdom.

Muling iginiit naman ng BSP ang pahayag ni Governor Benjamin E. Diokno na epektibo pa rin at walang magaganap na demonetisasyon ng kasalukuyang mga banknotes at mga barya na nasa sirkulasyon.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with