^

Metro

Voter’s Registration Act, puno ng butas - Comm. Garcia

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Voterâs Registration Act, puno ng butas - Comm. Garcia
Residents of Antipolo, Rizal line up for the satellite voters registration of the Commission on Elections on Oct. 13, 2021 at SM City Masinag for the May 2022 National and Local Elections. The satellite registration accommodates 500 persons a day, while the period of extension for voter's registration will last until Oct. 30, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nanawagan sa susunod na Kongreso si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na amyendahan ang umiiral na Voter’s Registration Act na punumpuno umano ng butas dahilan para makaboto pa maging ang mga matagal nang patay.

Sinabi ni Garcia na aasikasuhin nila sa Comelec na maitulak ang pag-amiyenda sa naturang batas matapos ang halalan sa Mayo 9.

Ito ay makaraan ang mga ulat na nakarating sa kaniya na maging mga matagal nang patay na botante ay kasama pa rin sa ‘voters list’.

“Alam ninyo po, immediately after the elections, ipapangako ko po sa inyo aayusin po natin yung batas yung Republic Act 8189, ‘yung mga loopholes na ‘yan, ‘yung mga problema na yan,” ayon kay Garcia.

Nagpahayag din ang komisyuner ng pag-aalala sa posibleng kaguluhan sakaling maisama na ang ‘voter’s information’ sa National ID System.

Ipinaliwanag niya na nakuwestiyon ang National ID na dapat limitado lamang umano ang impormasyon na nakasaad dito. Kung masasama umano ang mga impormasyon na nasa voter’s ID ay maaa­ring malabag naman ang ‘data privacy’ ng mga Pilipino.

Dahil dito, nanawagan siya na kailangan pa rin na patuloy na mag-isyu ng voter’s ID para mas madaling makilala ang mga lehitimong botante at mapondohan na ito para tuluy-tuloy na ang pag-iimprenta.

GEORGE GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with