^

Metro

Iskinita sa Navotas, pinasabugan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalot ng matinding tensiyon ang mga residente makaraang pasabugan ng pill box ang isang iskinita sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ang insidente ay naganap sa Cruz Ext. Brgy. Tangos-South bandang alas-2:10 ng hapon.

Dahil dito, agad iniutos ni Navotas Police Chief P/Col. Dexter Ollaging kay P/Maj. Felix Venancio Rivera, ang hepe ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) na magsagawa ng pagsisiyasat sa naturang insidente upang alamin kung sino ang may kagagawan ng paghahagis ng pill box  at kung ano ang motibo ng mga nasa likod nito.

Kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD), Intelligence Section at San Roque Police Sub-Station, nagtungo ang grupo ng mga pulis sa naturang lugar at dito nila nakita ang hindi naman kalakihang pinsala na idinulot ng pagsabog.

Sa ulat naman ni P/Lt. Luis Rufo, Officer in Charge ng Intelligence Section kay Col. Ollaging, walang iniulat na nasaktan sa naturang insidente.

May hinala naman ang mga residente sa posibilidad na posibleng mai-uugnay sa riot ng mga magkakalabang gang ng mga kabataan sa lugar.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

NAVOTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user