^

Metro

Valenzuela LGU nagbabala sa modus na nagpapanggap na fire victims

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Valenzuela LGU ang publiko laban sa mga indibiduwal na nanghihingi ng donasyon at tulong na nagpapanggap na kabilang sa mga nasunugan sa lungsod.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, may natanggap silang mga reklamo na maraming indibiduwal ang nanghihingi ng tulong at kumakatawan sa ilang nasunugan bunsod na rin umano ng kakulangan ng ayuda ng city government.

Aniya, dapat na agad masawata ang panggagantso at pananamantala ng ilang indibiduwal sa mga tunay na fire victims.

Dagdag pa niya, para makasiguro maaaring magpaabot ng in-kind donations sa City Social Welfare and Development Office na matatagpuan sa Valenzuela City Alert Center habang ang cash donations naman ay sa City Treasurer’s Office sa Finance Building ng City Hall.

Maaari rin aniya magpasok ng pondo sa City Government of Valenzuela Special Trust Fund sa Account Number na 0252-1061-38, LandBank Valenzuela Branch.

Para naman sa mga nais magbigay ng mainit o lutong pagkain ay maaaring magbigay sa Malinta Elementary School, Malinta National High School at Malinta Junior High School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with