^

Metro

Pamamahagi ng mga opisyal na balota, sinimulan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng mga opisyal na balota na gagamitin sa halalan sa Mayo 9 sa iba’t ibang presinto.

Sa advisory ng Comelec, gabi ng Abril 19 uumpisahan ang delivery ng nasa 60 milyong balota na manggagaling sa kanilang bodega sa Legaspi Street sa Brgy. Maybunga, Pasig City.

Kasama ng mga balota, ipamamahagi rin ang iba’t ibang election supplies na gagamitin ng mga board of elections inspectors (BEI) na magmamando sa halalan.

Unang dadalhin ang mga balota at equipments sa mga city at municipal treasurer’s office sa buong bansa. Nasa kabuuang 67,442,616 balota ang naimprenta ng Comelec.

Una nang naideliber ang mga ‘vote counting machines (VCMs), mga laptop computers, transmission devices at iba pang kagamitan buhat sa kanilang bodega naman sa Sta. Rosa, Laguna.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with