^

Metro

Dagdag presyo sa petrolyo, ipapatupad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dagdag presyo sa petrolyo, ipapatupad
Sa anunsiyo kahapon ng  Pilipinas Shell at Petron Corporation, at independent players na  Flying V at Seaoil Philippines, ay alas-6:00 ng umaga magsisimula ang ipapataw na dagdag na P1.70 sa kada litro ng diesel, habang P0.45 naman sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Muling magtataas ang presyo ng petrolyo ngayong Martes.

Sa anunsiyo kahapon ng  Pilipinas Shell at Petron Corporation, at independent players na  Flying V at Seaoil Philippines, ay alas-6:00 ng umaga magsisimula ang ipapataw na dagdag na P1.70 sa kada litro ng diesel, habang P0.45 naman sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Kahalintulad na  price adjustments din ang ipatutupad ng PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, PetroGazz, Unioil Philippines at Jetti Oil sa kanilang mga produktong gasolina at diesel alas-6:00 din ng umaga habang ang Clean Fuel ay pagsapit pa ng alas-8:01 ng umaga.
Samantalang ang Chevron Philippines  sa parehong taas-presyo ay mas maaga o pagtuntong pa lamang ng alas-12:01 ng madaling araw.

Ayon sa energy sour­ces, ang giyera pa rin sa pagitan ng Ukraine at Russia ang pangunahing dahilan sa mabilis na pagsirit ng presyo ng mga imported na produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

FLYING V

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with