^

Metro

Dagdag budget sa local tourism isusulong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan ng mga lokalidad ng mas mala­king tulong mula sa pambansang pamahalaan para payabungin ang kani-kanilang turismo.a

Dapat bahagian ng sapat na badyet ang bawat local government unit (LGU) para sa kanilang “sustainable tourism development,” at iyan ang ipapanukala ng Turismo Isulong Mo Partylist (156TURISMO).

Sinabi ni Wanda Teo-Tulfo, 1st Nominee ng TURISMO, dagsa na ang mga international at domestic visitors sa ating mga tourist destinations kaya kailangan na tiyakin na world-class at safe healthwise ang mga ito.

Ani Teo, inaasahan na maraming Pilipino ang makakabalik sa paghahanapbuhay sa pagbubukas ng turismo makaraan ang pandemya.

Si Teo ay dating Department of Tourism secretary ay nagsabing kulang ang budget ng mga LGUs para payabungin at pangalagaan ang mga tourist attractions na di natututukan ng national government.

Giit ni Teo na ang mga LGU ay nangangailangan ng pondo para sa staff ng local tourism unit, visitors information center, pagtatayo ng mga pasilidad tulad ng palikuran, handwashing stations at pagbibigay ng seguridad sa turista.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with