^

Metro

176K dayuhang turista naitala ng DOT

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang Department of Tourism (DOT) ng 176,857 dayuhang turista na dumating sa bansa makaraang buksan ng pamahalaan ang borders sa lahat ng biyahero mula sa mga visa at visa-free na bansa, kasunod ng pagluluwag ng restriksyon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na karamihan sa mga turista ay nagmula sa Estados Unidos, kasunod ang Canada, United Kingdom at South Korea.

“At least bukas na, ‘yun naman ang laging sinasabi ng ating tourism stakeholders. At least bukas na tayo and at least sa Asia, upon the recommendations ng ating health experts, tayo ‘yung least travel restrictions,” saad ni Puyat.

Nitong Abril 1 tuluyang ganap na binuksan ng pamahalaan ang Pilipinas sa mga dayuhang turista.  Pero nauna dito, noon pang Pebrero 10 nakabukas ang bansa sa mga biyahero mula sa 157 ‘visa-free’ na bansa.

Tanging mga ‘fully-vaccinated’ na turista lamang namana ng pinapayagan na makapasok ng Pilipinas.  Kailangan din na makapagpakita sila ng negatibong COVID-19 test results na kinuha 48-oras bago ang kanilang biyahe o antigen result na kinuha 24-oras bago ang kanilang pag-alis sa kanilang bansa.

DOT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with