^

Metro

Hindi na pagsusuot ng face mask, ‘di pa uubra - OCTA

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hindi na pagsusuot ng face mask, âdi pa uubra - OCTA
In this file photo, students from Chiang Kai Shek College are seen wearing face masks.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Masyado pang maaga para tanggalin na ang pagsusuot ng face mask kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ayon ito kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team kahit na umano pinag-uusapan ngayon ang posibleng pagsasailalim sa Alert Level 0 sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 tulad sa Metro Manila.

Sinabi ni  David na walang pagkakaiba sa kasalukuyang Alert Le­vel 1 sa Alert Level 0 kung saan nagbubukas ang mas maraming negosyo sa bansa at pagluluwag sa restrictions ng protocol  kontra COVID-19.

“It is difficult to comment if we are ready for [Alert Level 0] if we don’t know what it covers but if it means removing face masks, I think it is too early for that.” dagdag ni David.

Anya ang 598 na bagong kaso ng CO­VID-19 nitong Biyernes ay mababa sa inaasahan nilang 650 new cases. Sa NCR ay nakapagtala ng 149, 90 sa Calabarzon, at 66 sa Western Visayas.

Ani David ang national positive rate ay pumalo na lamang sa 3.3%.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan nang isailalim sa mas mababang Alert Level 0 ang mga lugar na nasa Alert Level 1 dahil hindi na pumapalo sa isang libo ang naitatalang kaso sa bansa sa magkakasunod na anim na linggo.

Pag-aaralan aniya ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kasama ang ilang government advisers para sa elemento ng Alert level o.

“Ano ba ang elements ng Alert Level 0? Kasi may mga tanong halimbawa, sa Alert Level 0, pwede na bang magtanggal ng mask? Pwede na bang ‘wag nang sumunod sa hand hygiene? ‘Yung mga ventilations, supisyente ba?” ani Duque.

Sinabi naman ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert na pabor siya na manatili pa rin ang pagpapasuot ng face masks.

Paliwanag ni Solante, ang pagsusuot ng face masks at palagiang paghuhugas ng kamay ay mahalaga pa rin na manatili sa Alert Level 0 dahil mayroon pang hawaan ng Omicron variant sa mga komunidad.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with