^

Metro

3-buwan nang water interruption, kalbaryo ng mga taga-Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaaray na ang mga residente ng Las Piñas City sa tatlong buwang water interruptions sa kanilang lugar.

Ayon sa mga apektadong residente ng Barangay Almanza Uno sa Las Piñas City, nahirapan sila sa matagal na pagka-antala ng suplay ng tubig sa kanilang lugar.

Kadalasang walang tulo ang kanilang mga gripo ng lagpas sa kalahating araw at kung meron man ay napakahina ng pressure na hindi na umaabot sa loob ng kanilang bahay.

Lalong hindi rin umano sila nakakapag-ipon sa kanilang tangke dahil sa hina ng pressure.

Dalawang beses lamang umano sa isang linggo ang pagra-rasyon ng tubig ng Maynilad.

Isa na dito ang reklamo ng isang may-ari ng parlor na sa kabila ng umiiral na Alert Level 1, kahit pinapayagan na ang full capacity sa kanilang parlor, hindi naman makapagserbisyo sa mga kliyente dahil sa kawalan ng suplay ng tubig.

Sa naging pahayag ng isang Adarna Grande sa Barangay Almanza Uno sa Las Piñas City, ang kaniyang parlor na pinapayagan na sa full capacity ngayong Alert level 1 ay hindi pa rin makabuwelo dahil sa kakapusan ng suplay ng tubig nasa 3 hanggang 5 kliyente lamang ang tinatanggap sa halip na 20 hanggang 30 kliyente sa bawat araw.

Sa pagtatapos ng scheduled water interruptions noong Marso 4, muli namang magkakaroon pa ng water interruption sa Marso 6 mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng gabi dahil sa urgent leak repairs sa backwash lines ng Putatan water treatment plant.

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with