^

Metro

‘Bully’ na helper minartilyo sa ulo ng kasamahan sa trabaho

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang 31-anyos na helper makaraang tatlong beses na pukpukin sa ulo ng kaniyang kasamahan sa trabaho sa harap ng pinapasukang bodega sa Tondo, ­Maynila ka­makalawa ng gabi.

Nakaratay ngayon sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jason Sapuan, stay-in helper sa Burke Building sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Elcano Street sa Brgy. 1, Tondo. 

Nadakip naman sa   follow-up operation sa may Kagitingan Street sa Brgy. 29 Tondo ang suspek na si Arvin Maiz, 36, isa ring helper.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2, abala sa paglalaro ng isang mobile game ang biktima dakong alas-7:30 ng gabi sa harap ng bodegang kanilang pinapasukan nang biglang sumulpot buhat sa likuran ang suspek at walang sabi-sabing minartilyo sa ulo si Sapuan.

Nang duguang bumagsak, agad na tumakas ang suspek habang sinaklolohan ng mga kasamahan si Sapuan na madala sa nabanggit na pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon, madalas umanong binu-bully ng biktima si Maiz na nagtanim ng galit. Tiniyempuhan niya na abala sa paglalaro ng cellphone si Sapuan saka inatake para mailabas ang kaniyang galit.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with