^

Metro

‘Oplan Baklas’ sinimulan, common poster areas sundin – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng kampanya noong Martes, sisimulan din ng  Philippine National Police (PNP) ang  ‘Oplan Baklas’ sa mga malalaking campaign pos­ters na labag na sa ipinatutupad ng  Commission on  Elections (Comelec).

Ayon kay PNP Spokesman  PCol. Jean Fajardo, nagsimula nang mag-ikot ang mga pulis sa pakikipag-ugnayan sa local COMELEC officers upang su­yurin ang mga lugar na  napau­lat na may ilegal na nakapaskil na campaign posters.

Apela ni Fajardo sa mga kandidato at kanilang mga supporter na  sundin ang mga common poster areas upang mas maging maayos at malinis ang  pangangampanya.

Nakakalungkot lamang na  sa kabila ng regulasyon ng COMELEC na sa common poster area lamang magkabit ng campaign materials, nag­lipana pa rin ang mga ito sa  poste at kable ng kuryente, internet, cable, at telephone services.

Dapat na isipin ng  mga kandidato at suporters ang integridad ng public utility infrastructures ay isyu ng “public interest” at “environmental at safety grounds” na hindi dapat binabalewala.

Dagdag pa ni Fajardo, isang election offense ang pagpapaskil ng mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar lalo na sa mga kawad ng kuryente dahil sa posibleng pagmulan ng sunog.

Hindi aniya sila mangingi­ming arestuhin ang sinumang matitiyempuhan na nagkakabit ng posters sa mga bawal na lugar.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with