De baril na tambay, timbog
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 23-anyos matapos mahulihan ng baril habang nakatambay malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Muntinlupa Police Intelligence Section ang suspek na si Roy Kevin Balano, na isinailalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Improvised Firearm and Ammunitions) at Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code).
Nabatid na natiyempuhan ng mga tauhan ng Muntinlupa Station Intelligence Station si Balano habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation na may hawak na baril sa Santos Compound, PNR Site, Barangay Putatan, Muntinlupa City dakong alas-7:30 ng gabi nitong Enero 27, 2022. Nasamsam mula sa kaniya ang improvised firearm o sumpak.
“I would like to remind the public about the existing gun ban, mahigpit ang aking direktiba na bantayan at hulihin ang sino mang magdadala ng baril na walang kaukulang dokumento, na magbibigay ng karapatan para dalhin nila ito, huwag po ninyong subukan ang inyong kapulisan dahil hindi kami mangingimi na hulihin ang sino mang lalabag sa batas” ani Southern Police District director, P/Brig. General Jimili Macaraeg.
- Latest