^

Metro

Big-time oil price hike, ipapatupad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Big-time oil price hike, ipapatupad
Ito na ang ika-apat na sunod na pagtataas sa presyo ng diesel, gasoline at kerosene sa kapapasok pa lang na taon.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kompanya ng langis ngayong araw na ito.

Ito na ang ika-apat na sunod na pagtataas sa presyo ng diesel, gasoline at kerosene sa kapapasok pa lang na taon.

Ang Petron Corporation, Pilipinas Shell ay paiiralin na ang dagdag-presyo na P1.90 sa kada litro ng diesel, P1.45 sa kada litro ng gasolina, habang P1.70 sa kada litro ng kerosene. Sa parehong oras at presyo rin iiral ang pagtataas sa Seaoil Philippines.

Ang isa pang major oil firm na Chevron Philippines ay katulad din ang price adjustments subalit magsisimula ang pagtataas sa pagtuntong pa lang ng alas-12:01 ng  hatinggabi.

Ang  PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, at Unioil Philippines naman ang parehong price adjustments alas -6:00 ng umaga sa kanilang diesel at gasoline.

Ang Clean Fuel naman ay tulad din ng mga nabanggit ang idaragdag na presyo sa kanilang produktong diesel at gasoline na magsisimula alas-4:01 ng madaling araw.

Sinabi ni PTT Communication Officer Jhay Julian na ang lingguhang paggalaw ng ­presyo ay epekto ng ­presyuhan sa pandaigdigang merkado.

vuukle comment

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with