^

Metro

Social media companies panagutin sa ‘fake news’ - Moreno

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Manila City Mayor at presidential aspirant Isko Moreno na pananagutin ang pamunuan ng mga social media platforms dahil sa pagkabigo ng mga ito na labanan ang pagkalat ng mga fake news na patuloy na bumibiktima sa mga netizens.

Sinabi ni Moreno na kailangang masampahan ng kaso ang mga social media outlets na hindi kayang mabantayan ang mga ma­lisyosong ‘content’ na isini-share sa kanilang plataporma na labis na nakakasira sa imahe ng ibang indibidwal at naghahasik ng maling impormasyon sa publiko.

“Kasi walang sumusubok sa kanilang habulin sila ng bansa. Hinahayaan nilang gawing outlet ng mga maling impormasyon ‘yung kanilang sistema. Now beware, lahat ng magiging bahagi ng fake news, whether their system or the one person who did it under our law, it’s already existent sa ating mga batas. Pati yung may-ari ng mga malalaking kumpanya na ‘yan, dapat papanagutin ng tao, ng bansa, ng estado,” dagdag pa ng alkalde sa isang panayam.

May kalakip na parusa sa ilalim ng Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang lahat ng krimen na gamit ang internet.

Noong Setyembre 2020, nagpatupad ng crackdown ang sikat na Facebook social media kung kailan libu-libong mga pekeng account ang kanilang tinanggal.  Sa kabila nito, patuloy pa rin sa pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon ang mga napakaraming pekeng account, pages at grupo na nagsasagawa ng ‘disinformation campaign’ ngayong darating na halalan.

Maging si Moreno ay nabiktima rin ng iba’t ibang fake news.  Isa sa pinakabagong atake sa kaniya ang kumalat na ‘quote cards’ na nagpapahayag na pinagbabawalan umano niya ang mga tao mula sa Visayas at Mindanao na makapasok sa Maynila para hindi kumalat ang COVID-19.

“Hinding hindi po natin ‘yan magagawa sa ating kapwa Pilipino lalo na ngayong panahon na kailangan ng pagmamalasakit sa isa’t isa,” giit ni Moreno.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with