^

Metro

Riot ng mga kabataan sa Tondo, binatilyo bali ang buto, 8 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bali ang buto sa binti ng isang binatilyo, habang walo pang kabataan ang dinampot ng pulisya sa naganap na riot ka­makalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Isinugod sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ang 17-anyos na si alyas Mac habang isinailalim sa interogasyon ang mga kabataang hinuli na may mga edad na 15 hanggang 17- taong gulang.

Sa ulat ng Manila Police District- Station 2, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang riot sa kahabaan ng Camba St., sa Tondo.

Nabatid na nakaistambay sa naturang lugar ang grupo ni alyas Jeff nang dumating ang grupo ni alyas Mac na nagtanong­ kung saan ang kaniyang kaaway na sumuntok sa kaniya.

Nang walang sumagot ng maayos, dito na nagkainitan at sumiklab ang suntukan sa magkabilang grupo. Rumesponde ang mga barangay tanod at pulis dahilan para maaresto ang walo sa kanila habang nakahandusay si alyas Mac dahil sa tinamong pinsala sa binti na maaaring resulta ng paghampas ng matigas na bagay.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya kung sino ang nagpasimuno sa riot habang inaalam kung may mga vaccination card rin ang mga kabataan na hindi maaaring lumabas ng bahay kung hindi pa bakunado.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with