^

Metro

Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila
Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, stage shows, palaro, at iba pa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Wala na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19.

Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, stage shows, palaro, at iba pa.

Inatasan din ni  Moreno si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na mahigpit na ipatupad ang liquor ban sa Binondo upang maiwasan ang inuman sa mga bahay at kalsada.

Sinabi ni Moreno na kung hindi makakansela ang mga aktidibad, tiyak na magiging ‘superspreader’ ng virus ang mga ito lalo na at kalat na ang Omicron variant sa Metro Manila.

“The activities during the New Year celebration, if not cancelled, can be surely an easy medium of Covid-19 spread and transmission thereby endangering the health, well-being and safety not only of residents but also their visitors who will join them in the celebration,” pahayag ni  Moreno.

Ipinagdiriwang ng  mga Filipino-Chinese sa bansa ang Chinese New Year sa Pebrero 1 kung saan tinagurian na Year of the Tiger ang 2022.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with