^

Metro

Positivity rate sa Metro Manila, bumababa - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Positivity rate sa Metro Manila, bumababa - OCTA
Mahigpit ang ginagawang pagtse-check ng security guard sa LRT station sa Caloocan sa mga vaccination card ng mga pasahero sa pag-arangkada kahapon sa ‘no vax, no ride’ policy na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr).
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Bumaba sa 50 percent ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila nitong January, mas mababa sa 54 percent sa nagdaang linggo batay sa la­test report ng OCTA Research Group.

Ayon sa OCTA ang positivity rate na 50 percent ay nangangahulugan na may isang positibo sa COVID-19 mula sa bawat dalawang nagpasuri sa virus.

Malaki ang paniwala ng OCTA na ang insidenteng ito ay nagpapakita na naabot na ng Metro Manila ang peak at ngayon ay nagsisimula nang bumaba ang bilang ng tinatamaan ng virus dahil sa patuloy na testing capacity.

Gayunman, sinabi ni Dr Guido David ng OCTA na hihintayin pa rin nila kung may pagbabago na magaganap sa mga susunod na araw kung patuloy na bababa ang kaso sa mga darating na araw.

Nitong nagdaang linggo ay nakapagtala ang DOH ng 37,154 bagong kaso ng COVID-19 na mas mababa ito sa 39,004 bagong kaso noong Sabado.

Sa kabilang banda naman, tumataas na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila.

Kabilang sa mga lugar na may malaking COVID-19 growth rate ay ang Cagayan Valley, Pangasinan, La ­Union, Benguet at Bicol region habang tumataas na rin ito sa ibang parte ng Central Luzon o Region III.

Nakitaan din ng pagtaas ang Tacloban City, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga City and Davao del Sur. — Danilo Garcia

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with