^

Metro

COVID-19 growth rate sa NCR, bumaba pa sa 2%

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 growth rate sa NCR, bumaba pa sa 2%
Passengers at the Ninoy Aquino International Airport's Terminal 2 wait at the Departure Area after several domestic flights were canceled on Monday, Jan. 10, 2022.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala na lamang ang National Capital Region (NCR) ng 2% na COVID-19 case growth rate sa nakalipas na pitong araw.

Ito ay base sa ulat na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng independent monitoring group na OCTA Research, sa kanyang Twitter account.

Ayon kay David, nangangahulugan ito na ang mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon ay malapit na sa peak o ‘di kaya ay maaaring dulot din ng limitadong testing capacity.

Sinabi ni David na ang NCR ay nakapagtala ng 18,422 bagong impeksiyon noong Sabado na pasok sa kanilang range of expectations.

Dahil dito, ang daily growth rate ng rehiyon sa seven-day average ay bumaba na lamang sa 2%, kumpara sa 3% na naitala noong Biyernes.

Ipinaliwanag naman ni David na ang naturang downtrend sa growth rate ay mayroong dalawang maaaring rason.

Una, ang trend ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay malapit na sa peak at ikalawa, maaa­ring ang volume of testing ay hindi sapat dahil sa rami ng mga bagong kaso.

“If new cases start to decrease in the NCR over the next week, then it is the first case,” aniya pa.

“In the second case, we will see the number of new cases continue to hover around the same level, until the downward trend happens. We will know soon enough,” dagdag pa niya.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with