^

Metro

Drive-thru booster sa PUV drivers, aarangkada na sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drive-thru booster sa PUV drivers, aarangkada na sa Maynila
Members of the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office inoculate motorists with their booster shots while inside the comfort of their vehicles as they queue at the 24/7 drive-thru vaccination program of the local government for the general population at the Quirino Grandstand in Manila on Jan. 14, 2022. Manila mayor and presidential aspirant Isko Moreno Domagoso opens the Quirino Grandstand vaccination site for 24/7 to accommodate more people wanting to get their booster shot.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ngayong umaga ang drive-thru booster vaccination sa Bagong Ospital ng Maynila bilang bahagi ng pagpapalakas sa ‘vaccination drive’ ng siyudad.

Kabilang sa mga maaaring pumila at magpabakuna ng booster ay ang mga jeepney driver, tricycle driver, sidecar boy, delivery van driver, at taxi drivers.

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na maaari ring isama ng mga nasabing drayber ang kanilang pamilya upang mabakunahan na rin sila ng booster shot na dagdag proteksyon kontra COVID-19.

Nagsimula ang bakunahan sa Bagong Ospital ng Maynila dakong alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Naglaaan ang Manila City Health Department ng 1,000 doses ng iba’t ibang brand ng bakuna para sa mga tsuper.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang 24/7 drive-thru booster vaccination caravan sa Quirino Grandstand para sa 4-wheels habang mga motorcycle riders at bikers naman ang binabakunahan sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall.

Pinaalalahanan naman ang mga pupunta sa mga nasabing vaccination sites na ipakita ang QR code na nakuha sa pagpaparehistro sa Manila Vaccination website para sa verification, vaccination card at ID.

COVID-19 VACCINE

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with