^

Metro

Manila Zoo gagamiting bakunahan sa mga bata, seniors

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila Zoo gagamiting bakunahan sa mga bata, seniors
Photo provided by the Manila public information office shows the entrance of the newly refurbished Manila Zoo, which will reopen on Dec. 30.
MPIO

MANILA, Philippines — Habang hindi pa ­ganap na binubuksan para sa publiko, gagamitin muna bilang ‘vaccination site’ para sa mga senior citizen at batang may edad 5-11 taong gulang sa pag-uumpisa ng bakunahan sa natu­rang age group sa unang linggo ng Pebrero.

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinaka-ideal na lugar ang Manila Zoo na vaccination site dahil sa marami itong ‘open spaces’. Matapos na mabakunahan, maaa­ring mamasyal ang mga lolo at lola at kanilang apo sa zoo.

“So we thought, dahil sa nagre-request na mga tao sa Manila Zoo, at least magkaroon sila ng sneak peek. At marami naman na ang mapapasyalan dito - open air, maaliwalas. Double purpose pa, maipapasyal nila ang kanilang apo o ‘yung mga lolo at lola,” saad ni Moreno.

Samantala, maaari ring magpabakuna ang mga kabataang nasa edad 12-17 taong gulang sa Manila Zoo at makapamasyal na rin pagkatapos. Bubuksan ito ni Moreno sa mga residente at maging sa hindi residente ng Maynila.

Para matiyak na matutupad ang ‘physical distancing’ at iba pang ‘health protocols’, lilimitahan lamang sa 500 hanggang 1,000 indibiduwal ang babakunahan sa Manila Zoo kada araw.

“Ngayon, para hindi malabag ang alituntinin ng IATF, due diligence will be observed by the city-ika-cap natin. Ibig sabihin, magkakaroon ng registration. Ilo-launch din natin website ng Manila Zoo, para dun magparehistro ‘yung gustong magpabakuna,” paliwanag ng alkalde.

Maaari rin naman ang mga magulang ng mga bata na magpaturok na rin ng kanilang booster shot sa Manila Zoo at tuloy pasyal na rin kasama ang mga anak.

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with