_ngayon
^

Metro

Reelectionist NCR mayors nanguna pa rin sa survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Reelectionist NCR mayors nanguna pa rin sa survey
Quezon City Mayor Joy Belmonte speaks at an event where she gives aways bicycles and helmets at District 5 in the city on Nov. 5, 2021.
QC Gov't/Released

MANILA, Philippines — Nananatiling nangu­nguna ang mga re-electionist na alkalde sa Metro Manila.

Ito ang lumabas sa isinagawang non-commissioned poll noong Disyembre 16-23, 2021 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na sumasaklaw sa 16 na lungsod at 1 munisipalidad sa National Capital Region (NCR). Lumabas na patok na patok pa rin ang mga re-electionist sa survey ng mayoralty bets.

Sa Quezon City ay frontrunner pa rin si Ma­yor Joy Belmonte na may mataas na trust at performance rating kaya nakakuha ng 62 porsiyento ng boto kumpara sa 35 porsiyento ni Rep. Mike Defensor para sa pagka-alkalde sa lungsod.

Nais din naman ng mga taga-Navotas City na ipagpatuloy ang mga programa at proyekto ng mga Tiangco kaya suportado nila ang magkapatid na si Mayor Toby Tiangco (85%) na tumatakbo para sa pagka-Kongresista at si Cong. Rey Tiangco (80%) sa pagka- alkalde laban sa mag-amang Gardy Cruz (5%) at RC Cruz (8%).

Sa Caloocan City naman, kumbinsido ang mga taga -lungsod  sa husay at kakayahan ng mga Malapitan kaya top choice si Cong. Along Malapitan na may 75% laban kay Cong. Egay Erice na may 24% rating sa pagka-alkalde ng lungsod. Si Mayor Oca Malapitan naman ay siguradong panalo sa kanyang dating pwesto bilang Congressman na may 83% vote of support.

Si Cong. Ruffy Biazon na tumatakbong Mayor ng Muntinlupa City ay ‘di natitinag at nakakuha ng 69% laban kay Marc Red Marinas na nakatanggap ng 26% vote count. Sa Pasig City, malakas pa rin ang suporta kay Mayor Vico Sotto na may 70% laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na may 27% voters pre­ference.

Sa Maynila, nanguna naman si Vice Mayor Ho­ney Lacuna na tumatakbo ring alkalde na may 53% laban kay dating Cong. Amado Bagatsing (28%) at Alex Lopez (12%).

Sa Taguig City, lamang naman si Cong. Lani Cayetano na may 68% votes laban kay da­ting Cong. Arnel Cerafica na nakakuha ng 29% vote count sa karera.

Sa Marikina City, si Mayor Marcy Teodoro pa rin ang wagi na may 52% laban kay Cong. Bayani Fernando na may 43%.

 Sina Mayor Abby Binay ng Makati City (90%), Cong. Weslie Gatchalian ng Valenzuela (88%),Emi Calixto-Rubiano ng Pasay (87%), Imelda Aguilar ng Las Piñas (86%), Benjamin Abalos Sr. ng Mandaluyong (85%), Ike Ponce III ng Pateros (84%), Francis Zamora ng San Juan (80%) at Cong. Eric Olivarez ng Parañaque (67%) ay frontrunners sa 2022 mayoralty race ay halos naghihintay na lang sa kanilang oathtaking. Samantalang si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon ay nakakuha ng  50% laban sa katunggali. ayon kay Dr. Paul Martinez of RPMD.

“Given our present situation in NCR, the incumbency advantage is very high. The campaign will not just be a ground war, but better social media usage (Facebook) will significantly impact this election”, dagdag pa ni Dr. Paul Martinez Martinez ng RPMD.

Ang “Halalan 2022 NCR Survey” ay ipinatupad sa pamamagitan ng face-to-face interviews, at mayroong kabuuang 10,000 respondents na kinuha nang random mula sa 7,322,361 rehistradong botante sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila, na may margin of error mula 2.5% hanggang 3.0 % para sa malalaking lungsod, habang ang margin of error para sa maliliit na bayan na may 850 respondents ay 3.36 porsiyento.

 

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with