32 PUV drivers, inisyuhan ng show cause order ng LTO
Dahil sa ibat-ibang paglabag
MANILA, Philippines — Inisyuhan ng show cause order ng Land transportation Office (LTO) ang 32 pasaway na driver ng pampasaherong sasakyan na pawang lumabag sa alituntunin ng DOTr sa panahon ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Ang naturang mga driver ay pinagpapaliwanag na ng LTO kaugnay ng paglabag sa mga alintuntunin ng DOTr sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Ayon sa LTO, ang pag-iisyu ng show cause order ay dahil na rin sa paglabag sa COVID-19 Safety Rules at mga alituntunin ng DOTr tulad ng malayong distansya ng mga pasahero sa loob ng sasakyan, pagsusuot ng face mask at iba pang paglabag sa health protocols sa loob ng PUVs.
Kabilang pa rin sa mga ito ang pagkakatuklas sa ilang driver na gumagamit ng ilegal na droga bago mamasada.
- Latest