_ngayon
^

Metro

Higit P.8 milyong shabu nasabat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit P.8 milyong shabu nasabat
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspect.
STAR/File

MANILA, Philippines — May sa P800K ha­laga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong kalala­kihan sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Bryan Ortiz, 30, Josephine Dela Cruz, 27 at Adrian Aleganza, 22.

Sina Ortiz at Dela Cruz ay naaresto sa M.H. Del Pilar St., Brgy. San Antonio, Quezon City kung saan na­samsam sa kanila ang 100 gramo shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00, isang sling bag, isang black coin purse, at buy-bust money.

Habang si Aleganza naman ay naaresto sa Isarog St.kanto ng Retiro St., Brgy. Paang Bundok, Quezon City kung saan nakumpiskahan sa kanya ang humigit kumulang sa 20 gramo shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspect.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with