_ngayon
^

Metro

DOTr nagbabala sa mamemeke ng vaccination card

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DOTr nagbabala sa mamemeke ng vaccination card
Nagsagawa ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa pangunguna ni special operation unit commander Ret. Col. Jose Manuel Bonnevie ng health protocol inspection sa mga pampublikong bus sa Bonifacio Avenue sa Caloocan City. Ipinakikita ng mga pasahero ang kanilang mga vaccination card. Sa Lunes na ipapatupad ang ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr.
Russell Palma

Kaugnay sa ipapatupad na ‘no vax, no ride’

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga nagbabalak gumamit ng pekeng vaccination card sa harap ng pag-arangkada sa darating na Lunes ng ‘no vax, no ride’ policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra na may parusang kulong at multa ang mga mahuhuling mamemeke ng vaccination card sa ilalim ng revised penal code.

Mayroon din anyang kaparusahang nakapaloob sa mga ordinansa na ipinasa ng mga local govt units (LGUs) na naglilimita sa paglabas ng bahay ng mga ‘di bakunadong indibiduwal.

Anya, sa ilalim ng Republic Act 113322 ay nagpaparusa rin ito sa mga pasaway sa gitna ng pandemic.

Ayon naman Kay Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, ipapakalat nila ang mystery passenger upang bantayan na sinusunod ng mga driver at operator sa naturang polisiya.

Sa Lunes, January 17 makakatuwang ng DOTr ang Land Transportation Office, LTFRB, I-ACT, MMDA, mga LGUs at ng PNP sa pagpapatupad ng No Vax no ride policy.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with