_ngayon
^

Metro

3 ‘tulak’ dinakma sa buy-bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang tatlong ‘tulak’, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa isi­nagawang operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32; Ma. Clarise Certeza, 23, at Erickson Veron, 36, pawang residente ng Tondo Manila.

Ayon kay Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa kahabaan ng R10 Road., Brgy. NBBN, Navotas City.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon P13,000 halaga ng shabu kay Email at Certeza.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad na silang dinamba ng mga ope­ratiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 158 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P1,074,400.00 at buy- bust money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with