_ngayon
^

Metro

32K kabahayan sa Quezon City naka-lockdown

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
32K kabahayan sa Quezon City naka-lockdown
Community watchmen kept an eye on those entering Barangay 02 Zone 1 on Layug Street in Pasay City on Monday, Jan. 10, 2022. The area is under granular lockdown due to high occurrence of COVID-19 cases.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID- 19, umaabot na sa 32,000 kabahayan sa Quezon City  ang isinailalim sa lockdown ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na house-to- house lockdown lamang ang kanilang ipinatutupad  at hindi magpapatupad ng granular lockdown.

“Hindi na po tayo nagpapatupad ng granular lockdown. Siguro imposible na po mag-lockdown pa ng communities. Ang mangyayari po kasi diyan, buong lungsod magla-lockdown. So, ang ginagawa po natin, house-to-house lockdown. So, at the moment, we have locked down 32,000 house already here in Quezon City,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Nilinaw ni Mayor Belmonte na lahat ng magkakasama sa isang bahay ay hindi papayagan na makalabas ng kanilang tahanan. Anya ang  pagpapatupad ng house-to-house lockdown ay nakabase sa siyensya.

“This is also science-based na ayon sa mga datos ng ating mga eksperto, once someone is positive, sa bilis ng Omicron makahawa, the chances are the whole household will be positive.” dagdag ni Belmonte.

Sa ngayon ay may 34,000 bagong kaso ng COVID-19 sa QC.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with