^

Metro

Curfew sa menor-de-edad sa Metro Manila, muling ikinasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Curfew sa menor-de-edad sa Metro Manila, muling ikinasa
Ito ang inihayag ni MMC chairman at Pa­rañaque City Mayor Edwin Olivarez na pinagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila habang pinag-aaralan naman ang pagpapatupad ng curfew para naman sa mga nasa hustong gulang.
Miguel De Guzman

Mula 10-pm hanggang 4-am

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ang  Metro Manila Council (MMC) ng curfew sa mga menor-de-edad na nasa gulang 17-anyos pababa kasunod ng ma­tinding pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni MMC chairman at Pa­rañaque City Mayor Edwin Olivarez na pinagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila habang pinag-aaralan naman ang pagpapatupad ng curfew para naman sa mga nasa hustong gulang.

Magsisimula ang curfew ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ikinatwiran naman ni Olivarez na sa desisyong panatilihin ang Alert Level 3, ibinase nila ito sa 55% healthcare utilization rate ng rehiyon.  Sinabi niya na base sa pamantayan ng Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF), itataas ang Alert Level 4 kung nasa 70% pataas na ang healthcare utilization rate.

Kanila naman umanong susuriin muli ang mga datos matapos ang isang linggo para malaman kung may pagbabago na sa utilization rate at kung kailangang baguhin ang kanilang desisyon.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with