^

Metro

Localized Traslacion simula na ngayon­

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong araw na magsisimula ang loca­lized na Traslacion sa ilang lugar sa bansa.

Una nang nagpasya ang Simbahang Katolika na magsagawa na lamang ng localized Traslacion, kung saan bibisita ang Poong Nazareno sa iba’t ibang panig ng bansa, bilang bahagi ng adjustment na isinagawa ng simbahan dulot ng COVID-19 pandemic restrictions.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, ang imahe ng Itim na Nazareno ay unang dadalhin sa Our Lady of the Angels Church sa Quezon province.
“Magsisimula na ngayon  (Lunes), ilalabas na ang Nazareno, pupunta na ito ng Atimonan,” ani Badong, sa panayam sa teleradyo.

Kaugnay nito, hinikayat din ng simbahan ang mga deboto na sa kani-kanilang simbahan na lamang muna mag-novena dahil mayroon naman nang imahe ng Itim na Nazareno doon.

Una nang inianunsiyo ng simbahan na suspendido muli ang tradisyunal na Traslacion sa ­Quiapo sa Enero 9 dahil na rin sa pangambang maging dahilan ito nang higit pang hawaan ng COVID-19.

“‘Yung Nazareno na muna ang lilipat, ang lalabas para sa mga deboto,” aniya pa.
Naglabas na rin naman ang Quiapo church ng sche­dule ng idaraos na localized Traslacion.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with