^

Metro

2 lasog sa hit-and-run ng van sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang babaeng pedestrians, habang isa pa ang sugatan nang araruhin ng rumaragasang van, sa may Aurora Boulevard sa Pasay City, kahapon sa mismong araw ng Pasko.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang kinilalang sina Mariel Magtunao at Imelda Cupo, habang ang isa pang lalaki na hindi pa tukoy ang pangalan ang nasugatan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidenteng ito na naganap bago mag-alas 3:00 ng madaling araw para matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na hinihinalang lasing na nagmamaneho ng isang Nissan van.

Nabatid na naglalakad umano ang tatlong dalagita sa ilalim ng overpass para bumili ng yelo nang unang masagasaan si Magtunao habang ang dalawa niyang kasama ay tumilapon nang araruhin ng van.

Tiyempo ring dumaraan sa lugar ang isang motorsiklo na niragasa din ng van kung saan tumilapon ang sakay nito.

Imbes na tulungan ang kanyang mga naging biktima ay humarurot papatakas ang driver ng van.

Tumakas ang nasabing van na naiwan pa ang nakalas na bumper ng kanyang sasakyan.

Ayon kay Pasay Traffic supervisor Jun Payumo, posibleng lasing ang driver ng van dahil pagewang-gewang at napakatulin ng takbo nito, batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV).

VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with