^

Metro

Quezon City pinakamayamang LGU sa bansa – COA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City pinakamayamang LGU sa bansa â COA
The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty taken on Aug. 17, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nanguna ang Quezon City sa pinaka-mayamang local government units sa bansa na may  total assets na  P452.333 billion noong  2020.

Mula sa P96.423 billion  noong 2019,  ang  la­test Commission on Audit’s “2020 Annual Financial Report on Local Government ay nagpakita na ang QC ay nagkaroon ng pagtaas na  assets  na  369 percent o  P355.91 billion.

Dahil sa malaking pagtaas tinanghal ang QC na pinakamayamang lungsod kung saan nakaungos ito sa  Makati City na may recorded total assets  na P238.464 billion mula P233.781 billion  noong 2019.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na ang pagtaas ng  assets  ng lungsod ay dulot ng pinahusay na pamamahala.

“Donated lands with transfer certificate of titles, deed of donations and Sangguniang Panlusod Resolutions were identified during a robust inventory conducted by the City’s General Services Department and valued based on the latest zonal valuation of the Bureau of Internal Revenue,” pahayag ni  Belmonte.

“Through the City’s good governance efforts, we were able to properly reflect assets owned by Quezon City. The assets of QC were already there for the past years. They were just not properly recorded and recognized,” dagdag ni Belmonte.

Ilan sa mga naitala ng QC government ay ang mga fixed assets, tulad ng  infrastructure, buil­dings, roads at iba pang  properties.

Pinapurihan naman ni  Belmonte  ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa kanilang kontribusyon upang mapagtagumpayang ma­nguna sa pinakamayamang LGU sa bansa.

“We also thank our government workers who have made the ultimate sacrifice during this pandemic. If not for everyone’s help, we won’t be able to accomplish this milestone,”  dagdag ni Belmonte.

Bukod sa  Quezon City at Makati  ang ilan pa sa top 10 wealthiest cities ay ang Maynila   (P76.548 billion), Pasig City (P49.511 billion), Cebu City (P34.754 billion), Mandaue City (P32.571 billion), Taguig City (P30.682 billion), Davao City (P23.664 billion), Caloocan City (P22.203 billion), at Zamboanga City (P19.775 billion).

COC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with