^

Metro

Shortage sa itlog ng manok, posible - DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malamang na magkaroon ng shortage sa suplay ng itlog ng manok sa bansa.

Ayon ito  sa Department of Agriculture (DA) kasabay nang pagsasabing dulot  ito  ng patuloy na pagmahal ng halaga ng patuka sa manok.

Dahil dito, sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes na inaasahan na ng ahensiya na magkaroon ng paghihigpit sa suplay dulot ng tumataas na halaga ng patuka ng manok sa merkado.

Sinasabing tumaas ang  presyo ng mais para sa chicken feed mula P14 hanggang P22 kada kilo at maging ang presyo ng soybean ay tumaas din ng hanggang P55 kada kilo.

Samantala, sinabi rin ni  Reyes na sapat naman ang suplay ng lowland at highland vegetables ngayong holiday season kaya’t walang dahilan na tumaas din ang presyo ng mga gulay sa bansa ngayong kapaskuhan.

 

CHICKEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with