_ngayon
^

Metro

Mga piitan ng BJMP, COVID-19 free na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga piitan ng BJMP, COVID-19 free na!
COVID-19 vaccination at the Manila City Jail as seen in this October 2021 photo release.
BJMP

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na COVID free na ang mga piitan na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Ayon sa BJMP na wala na silang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang mga personnel at maging sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na nasa kanilang kostudiya.

Nagpahayag rin ang bureau ng pag-asa na magtutuluy-tuloy na ang pagganda ng sitwasyon sa mga bilangguan.

Nabatid na ang mga pasilidad na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng BJMP ay ang regional at city jails sa buong bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni BJMP chief Jail Director Allan Iral ang mga personnel na huwag pa ring maging kampante at patuloy na ipatupad ang health and security protocols sa kanilang mga tanggapan at pasilidad upang matiyak ang kapakanan ng mga PDLs.

Sinabi pa niya na ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, then Reintegrate strategy ng Department of Health (DOH) ang naging mabisang gabay nila sa kanilang CO­VID-19 management.

BJMP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with