_ngayon
^

Metro

Misis ng trike driver winner ng house and lot sa vaccine drive sa Las Piñas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ginang na misis ng isang tricycle driver ang masuwerteng nagwagi ng house and lot sa “May Bahay sa Bakuna” COVID -19 vaccine incentive program sa lungsod ng Las Piñas.

Si Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar ang personal na nag-award ng bagong house and lot sa masuwerteng residente ng kanilang lungsod sa isinagawang final draw ng “May Bahay sa Bakuna” na ginanap kamakalawa.

Halos wala namang pagsidlan sa galak ang masuwerteng nagwagi ng house and lot na kinilalang si Otelia Soriano ng Brgy. CAA, Las Piñas City.

Ang nasabing inis­yatibo ay inilunsad ni Villar para hikayatin ang mga residente ng Las Piñas na magpabakuna laban sa COVID- 19 kung saan ang masuwerteng ‘fully vaccinated’ na residente ay magwawagi ng P1.5-M house and lot mula sa Bria Homes na napagwagian ng ginang.

“Maligayang Pasko po sa inyo at sa inyong pamilya at sana magustuhan po ninyo ang inyong brand new house and lot,” ani Villar kay Soriano na kinontak nila sa pamamagitan ng video messaging app. Pinasalamatan naman ng ginang si Villar sa  magandang Pamaskong handog sa kanilang pamilya.

Samantalang dalawa ring residente ang nagwagi ng bagong automatic Honda motorcycle habang sampu pa ang nagwagi naman ng tig- P5,000 halaga ng grocery na tamang-tama lamang sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Namahagi rin ng tablets at smartphones bilang minor prizes habang nasa 40 Pangkabuhayan showcase ang ipinamahagi rin sa panahon ng programa simula noong Hunyo ng taong ito.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with